Wednesday 11 December 2019

MOBILE LEGENDS CHAMPIONSHIP


Mobile legend championship

Sa ikalawang araw ng intramurals 2019 isinatupad ng tagapagmahala ang kahilingnan ng mga istudyante na maglaro ng mobile legends.

Sa una naging kalmado ang laro hanggang sa naka first blood ang grupo ng black panthers. Mas naging agresibo ang paglalaro ng kampon ng red falcons pero sadyang minamalas sila.

Umabot ang ilang oras napatay ng grupo ng black panthers ang lord peroang hindi nila alam nag iintay lang ang kampon ng red falcons para patayin sila lahat nang sa ganon mapatay nila ang lord at madaig ang blck panthers.

Naghiyawan ang lahat ng mga tao dahil nag hihintay kung sino ang mananalo. Nauubosan na ng strategy ang black panther kung pano taluninin ang kampon ng red falcons pero sadyang bumabawi ang red falcons hamggang sa napatumba nila ang ilang mga tore sa kampon ng black panther.

Sa dulo nanalo ang kampon ng red falcons. Sadyang sanay na sanay silang maglaro nito. Pero naging madaya naman ang laro.

VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP (JHS)


Volleyball championship

Sa ikalawang araw (nobyembre 28 2019) ng intramurals 2019  sa ASIAN COLLEGE OF TECHNOLOGY ginanap ang volleyball championship ( girls JHS )  na pinaglalabanan ng dalawang grupo ang black panthers at golden lions.

Naging intense ang laro sa pagitan ng black panther at golden lions todo supporta naman ang kanilang mga ka grupo at lalong lalo na ang kanilang mga team moderator.

Sa first set nakakuha ng 12 puntos ang golden lions habang ang black panther ay nakakuha ng 9 puntos na nagpapahiwatig na dapat mag change court ang dalawang grupo. Sa pagdaan ng ilang oras naging masaya ang black panther dahil malapit na nilang ma hihigatan ang iskor ng golden lions kaya todo ang supporta ng grupo ng black panther.

Sa huli nanalo ang black panther laban sa golden lions na may kabuuang iskor na 25-23.

Naging masaya ang dalawang grupo dahil ang nasa isip nila naging masaya sila sa kanilang ginagawa.

At para naman sa volleyball championship ( boys JHS ) naglaban ang golden lions at blue phoenix, sa kasamaang palad natalo ang blue phoenix at ang nanalo para sa volleyball championship ay ang golden lions.