May pangarap ako na gusto kong makamtan balang araw. May mga misyon ako sa buhay na kailangan kong tuparin dahil nangako ako sa Pamilya ko at sa sarili ko. Alam kong hindi magiging madali ang lahat lalo pa't hindi kapa sigurado kung saang landas ang gusto mong puntahan. Naniniwala ako na ang pagiging masikap ay isang paraan para ikaw ay umusad sa buhay. Naniniwala din ako na walang mali kung ika'y mabigo kasi sa paraan na ito ikaw ay matuto at mas malalaman mo kung ano ang dapat mong gawin hindi ako natatakot na ako ay magkakamali kasi parte ito ng buhay at may matutunan ka dito. Ang misyon ko sa buhay ay simple lang makapagtrabaho ng maayos para masuklian ko ang kabutihan na ibinigay sakin ng aking mga magulang at tiyak ko na lahat ng tao ganito rin ang gusto nilang mangyari.
Ang gusto kong mangyari sa buhay ko ay matupad ang pangarap ko, syempre kailangan akong magsumikap upang ito'y matupad dahil ako at ako lang din ang tutulong sa sarili ko. Unang una sa lahat gusto ko munang makapagtapos ng pag aaral dahil ito ang gusto ko at ng magulang ko para nadin ako'y makahanap ng magandang trabaho at isa nayong malaking hakbang papunta sa pangarap ko. Gusto kong pag aralin ang kapatid ko dahil para sila mama ay makapagpahinga na sa pag aalaga samin dahil ako naman ang mag aalaga sainyo. Isa lang naman ang gusto ko, ang makita ko ang aking magulang na masaya at masabi nila na hindi sila nagkamali na palakihin ako.
Huwag sana tayo pang hinaan ng loob na makakamit natin ang ating pangarap sa buhay lagi sana nating tandaan na ito lang ay pagsubok at hindi ito sapat na dahilan para tayo ay sumuko. Ang buhay ay maikli lang kaya't gawin na natin ang dapat natin gawin. Sa paghahanap ng trabaho mahalaga rin ang pagkakaron ng second choice dahil may mga bagay talaga na hindi tayo para doon at kung mangayari man yon walang masama ang sumubok sa iba.